- Kagaya ng ibang tunggalian, depende sa tao ang mga rules ng laban ng gagamba. Ang pinaka-basic rule ay panalo ang gagambang makakabilot sa kalaban nito gamit ang sapot mula sa puwitan nila. Sa isang stick ng kahoy (karaniwan ay tingting) ang fighting arena. Mayroon din namang gumagawa ng mga paglalabanan ng gagamba gaya ng mapapanood sa video. Sinasabing “napatisan” ang isang gagamba kapag nakagat ito sa paa ng kalaban at lumabas ang likidong galing sa katawan na kulay patis. Hindi laging mabibilot ang isang gagamba dahil may mga gagambang “pipitikin” lang ang nakaharang sa dadaanan nila sa stick. Isa ito sa dahilan kaya dapat ay mahaba ang paa ng gagamba mo. Mayroon namang kapag nagpambuno na ang dalawang gagamba, kakapit sila sa isang strand ng bagting/sapot. Ang gagawin ng isang gagamba, puputulin niya ang kinakapitang bagting/sapot ng kalaban niya para mahulog ito. Karaniwan, ang mahulog o mapitik ng dalawang beses ay talo sa laban. May mga naglalaban na for fun lamang subalit para hindi masayang ang effort sa panunulo, di maiiwasan ang magpustahan sa laban. Ang iba naman, imbis na magsugal, binebenta na lamang nila ang mga nahuhuling gagamba sa ibang lugar gaya ng Pasig City kung saan umaabot sa 50pesos each ang gagambang maibebenta.
Kailangang maingat ka sa paghawak sa gagamba mo. Baka kasi mabalian o maputulan ito ng paa. Makikita nating hinihipan ng may-ari ang gagamba niya kung gusto niya itong tumigil sa pagkilos. Di ko alam kung bakit. Siguro ay nababahuan sa hininga kaya di na makakilos o kaya naman ay instinct ng gagamba na huwag gumalaw kapag lumalakas ang hangin. Kapag nais namang palabasin sa bahay, maingat na pinipitik ng may-ari ang ilalim ng lalagyan ng gagamba. Mayron din namang gumagawa ng parang kutsara para maingat na mailabas ang panlaban. May mga mapamahiin na manlalaro na ayaw nilang ipakain sa kanilang nanalong gagamba ang nabilot na kalaban. Malas daw yun. Ang pinapakain na lamang nila ay mga langaw.

-Micka